Radio Philippines Network
Headlines National News

Emergency powers para sa ‘Build, Build, Build’ program huli na ayon sa Malakanyang

Hindi na umaasa ang Malakanyang na mabibigyan pa ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program.

Ginawa ng Palasyo ang pahayag matapos maghain si Albay Rep. Joey Salceda ng House Bill no. 5456 na layong mapagkalooban ng emergency powers ang chief executive upang mas mapabilis pa ang programa ng administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iginagalang ng executive branch ang hakbang na ito ng Kamara para maisakatuparan ang mga infrastructure projects ng pamahalaan.

Pero sinabi ni Panelo na maikokonsidera nang huli o late ang panukala ni Salceda dahil halos tatlong taon na lamang ang natitira sa termino ni Pangulong Duterte.

Bunsod nito, inaasahan aniya ng palasyo na aabot sa 38 proyekto ang makukumpleto sa 2022, kung saan 22 ang partially operational o substantial completion habang 40 naman ang posibleng matapos paglampas ng taong 2022.

Related posts

Mga airports sa Luzon tigil operasyon

Powered by DWIZ

PAGIBIG plano na ring magtaas ng kontribusyon

Powered by DWIZ

Typhoon Ursula bahagyang humina habang papalabas ng bansa —PAGASA

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More