33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Walang pagtaas ng presyo sa mga ‘noche buena items’—DTI

- Advertisement -

Tiniyak sa publiko ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin, kabilang ang noche buena items, hanggang sa susunod na taon.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, inatasan na nila ang mga manufacturers na maglatag ng fixed price sa buong holiday season.

Aniya, sa ganitong paraan ay masisigurong hindi magiging pasanin ng mga mamimili ang mataas na presyo ng mga produkto sa pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.

Maliban dito, naghahanda na rin ang DTI para sa isasagawa nitong nationwide diskwento caravan christmas edition na magsisimula sa bukas, Nobyembre 18.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -