Pahayag ng UN official kaugnay kay Maria Ressa sinopla ng Palasyo

0
53

Sinopla ng Malakanyang ang pahayag ng United Nations (UN) official na bawiin ang kasong isinampa laban kay Maria Ressa at sa pinamumunuan nitong online news outfit na Rappler.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, isa nanamang malinaw na pakikialam sa usaping panloob ng Pilipinas ang ginawang ito ng UN.

Buwelta ni Panelo, tila hindi ata alam ng UN special rapporteur na si Mr. David Kaye na isang serious offense ang tax evasion hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang mga bansa.

Wala rin aniyang kinalaman sa freedom of expression o pagiging journalist ni Ressa ang kasong isinampa laban sa kanya at sa media outfit nito.

Umaasa naman si Panelo na mas magiging responsible na ang UN representative at igagalang nito ang soberenya at judicial system ng Pilipinas.