Tuesday, May 7, 2024

Environmental groups maghahain ng reklamo vs. Duterte sa UN

- Advertisement -

Nakatakdang maghain ng reklamo ang iba’t-ibang grupong maka-kalikasan at katutubo sa United Nations laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y dahil sa kabiguan anila ng administrasyon na solusyunan ang walang patid na patayan gayundin ng pagpayag nito sa pagpasok ng mga dayuhang mining firms sa bansa para sirain ang kalikasan.

Ayon kay Leon Dulce, National Coordinator ng Kalikasan People’s Network, ginagamit umano ng administrasyon ang pagdideklara ng batas militar na sinimulan sa mindanao na kalauna’y ipatutupad na rin sa buong bansa para babuyin umano ang mga likas yaman ng bansa kung saan, ang mga dayuhan lamang ang tanging makikinabang.

Tinukoy ng grupo ang pagpayag umano ng Pangulo sa operasyon ng Oceanagold, isang canadian mining firm na isang openpit mining sa Nueva Vizcaya sa kabila ng ginawang pagpapasara rito ni dating Environment secretary Gina Lopez noong isang taon

Binatikos din ng grupo ang ginawang pag-aresto ng PNP at militar sa tinaguriang Talaingod 18 sa Davao del Norte gayundin ang pagsasampa ng mga anila’y gawa-gawang kaso laban sa mga kritiko ng administrasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img