32.7 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

LP magpupulong upang pag-usapan ang martial law extension sa Mindanao

- Advertisement -

Nakatakdang magpulong bukas araw ng lunes ang buong hanay ng Liberal Party o LP para talakayin ang mga hakbang na gagawin upang umano’y pigilan ang inaasahang muling pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Inihayag ni LP spokesman Caloocan City Rep. Edgar Erice, kuwestyunable umano ang pagpapatupad ng martial law sa rehiyon kaya’t wala nang basehan para muli pa itong palawigin.

Tila ipinapakita lamang aniya nito na walang kakayahan ang mga awtoridad na ipatupad ang kapayapaan sa Mindanao kapag walang martial law.

Pag-uusapan din umano ng LP ang posibilidad na idulog na sa korte ang kanilang di pag-sang-ayon sa batas militar.


Turismo sa Mindanao, mapalalakas pa rin sa kabila ng martial law extension

Samantala, kumpiyansa ang Department of Tourism o DOT na higit pang mapapalakas ang  ang promosyon ng turismo sa Mindanao sa 2019 sa kabila ng posibilidad na muling palawigin sa ikatlong pagkakataon ang martial law sa rehiyon.

Sinabi ni DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, walang dapat na ikabahala sa implementasyon ng batas militar doon dahil mismong mga taga-Mindanao ay hindi naman tutol dito.

Pahayag ni Puyat, maging siya ay personal na naranasan ang magandang epekto ng martial law nang bisitahin ang mga lugar ng Dapitan at Dipolog City sa Zamboanga del Norte.

Hinikayat naman ng kalihim ang mga turista na magtungo sa Mindanao upang masaksihan ang kagandahan at pagiging ligtas ng isla.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -