29.8 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Pagtatayo ng quarantine facility ng PNP hindi pa kailangan

- Advertisement -

Wala pang pangangailangang magtayo ng quarantine facility ang PNP kahit pa nasa 615 na ang mga pulis na itinuturing na person under monitoring matapos ma-expose sa hinihinalang may coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni PNP Spokesman Police Brigadier General Bernard Banac na home quarantine lamang ang inirerekomenda nila sa kanilang mga pulis.

Mayroon din aniyang apat naput limang pulis na person under investigation (PUI).

Gayunman inihayag ni Banac na sakaling dumating na ang matinding pangangailangan handa ang PNP General Hospital na makipagtulungan sa ibang ahensya.

Tiniyak ni Banac ang regular na disinfection sa Camp Crame at mga nakapalibot sa PNP Chaplain Building matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang tauhan nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -