31.1 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Isang barangay sa Bataan gumamit ng kabaong para manatili ang mga residente sa loob ng bahay nila

- Advertisement -

Napilitan ang pamunuan ng isang barangay sa Orani, Bataan na gumamit ng kabaong para mahimok ang mga residente nitong manatili na lamang sa kanilang mga bahay dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dalawang kabaong ang inilagay sa entry at exit checkpoints ng barangay Mulawin at nakasulat dito ang mga katagang ‘stay at home or stay here COVID-19 is real’.

Ayon kay Marvin Dela Cruz, chairman ng nasabing barangay layon ng hakbang nilang mabawasan ang mga sumusuway sa enhanced community quarantine.

Nagpapatupad na rin ng 24 oras na curfew sa bayan ng Orani.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -