Pagtatalaga sa Chinese businessman bilang economic adviser kinumpirma ng Palasyo

0
49

Kinumpirma ng Malakanyang ang pagkakatalaga sa Chinese businessman na si Michael Yang bilang economic consultant ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, isa si Yang sa mga advisers ni Pangulong Duterte sa ilang mga partikular na bagay hinggil sa ekonomiya.

Gayunman, nilinaw ni Panelo na walang permanenteng posisyon si yang sa gobyerno at kinukuha lamang ng pangulo kung kinakailangan.

Pagtitiyak pa ni Panelo na walang magiging impluwensiya si Yang sa mga polisiya ng bansa at limitado lamang ang serbisyo nito.

Si Yang ang may-ari ng Davao City Los Amigos Shopping Center, may malapit umanong kaugnayan kay Chinese ambassador to The Philippines Zhao Jianhua at kasama sa entourage ni Chinese Premier Li Keqiang nang bumisita sa bansa noong Nobyembre 2017.

“You know Mr. Yang is a wealthy man, he has rose from poor origins to being a wealthy man. And he has technical know how to run a business. Because he is Chinese, he knows people from the Chinese government. And he knows the psychology of the Chinese. And on that aspect, the President needs people like him.” Pahayag ni Panelo.


Mambabatas hinamon si Duterte na sibakin si Yang

Hinamon ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang Chinese businessman na si Micahel Yang bilang isa sa kanyang mga economic advisers.

Ayon kay Alejano, nailalagay sa alanganin ang seguridad at kalayaan ng bansa sa pagtatalaga ni Pangulong Duterte kay yang dahil maaari itong magkaroon ng access sa ilang mga confidential at sensitibong impormasyon.

Binigyang diin pa ni Alejano, malinaw ding nais itago ng pamahalaan sa publiko ang pagtatalaga kay yang matapos ng magkasalungat na pahayag ni Pangulong Duterte at Presidential Spokesman Salvador Panelo sa usapin.

Dagdag pa ni Alejano, batid din aniya ng administrasyong Duterte na hindi katanggap tanggap at hindi wasto ang paglalagay kay yang bilang economic adviser kaya una nila itong itinanggi.