Internal cleansing sa PNP tuloy-tuloy — Albayalde

0
54

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na magtutuloy-tuloy ang isinasagawang internal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya.

Ito ang pahayag ni Albayalde matapos na mapatay ng mga operatiba ng Counter Intelligence Task Force (CITF) kay Supt. Santiago Rapiz sa isang buy bust operation sa Dipolog City, Zamboanga Norte.

Ayon kay Albayalde, bagama’t kanyang ikinalungkot na may nalagas muli silang kabaro sa PNP, tiwala naman aniya siyang batid ng kanyang mga tauhan na seryoso siyang linisin ang kanilang hanay mula sa abusado at tiwaling pulis.

Sinabi ni Albayalde, sa ngayon ay aabot sa 1,200 hanggang 1,700 tiwaling mga pulis ang kanilang minamanmanan.

(with report from Jaymark Dagala)