Mahigit 6,000 pamilya maaring maapektuhan sa pagtayo ng dam sa Rizal at Quezon

0
74

Mahigit 6,000 pamilya ang maaring mawalan ng tahanan sa pagtatayo ng tatlong dam sa lalawigan ng Rizal at Quezon.

Ayon sa Ibon Foundation, nasa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtayo ng 70 metrong taas na kaliwa dam sa General Nakar at Infanta, Quezon.

Bukod dito ay naka-linya ring itayo ng gobyerno ang higit na mas malaking laiban at kanan dam sa Tanay, Rizal.

Samantala, hiniling naman ng lokal na pamahalaan ng Tanay na liitan lamang ang itatayong dam dahil mapanganib ito sa mga residente at maaring malubog ang kanilang komunidad.