Sunday, May 5, 2024

Pagtataas sa minimum wage dapat talagang ikonsidera — Angara

- Advertisement -

Dapat lamang na ikonsidera ang pagtataas sa minimum wage na tinatanggap ng mga manggagawa sa bansa.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, ito lamang ay kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis kung saan aabot na sa 75 dollars ang presyo ng kada bariles nito.

Paliwanag ni Angara, dapat na masusing pag-aralan ng Regional Wage Board ang umento sa sahod upang matugunan na rin ang mga pangangailangan ng mga manggagawa.

Una rito, nakasaad naman sa petisyon ng ALU-TUCP, isinusulong nito ang 710 pesos na minimum wage mula sa kasalukuyang mahigit 500 pesos na minimum wage para sa mga manggagawa sa National Capital Region.

(with report from Cely Ortega- Bueno)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img