35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Banta ni Duterte sa Canada hindi maituturing na iresponsable — Malakanyang

- Advertisement -

Hindi maituturing na i-responsable ang naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ito ng giyera laban sa Canada.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tama lamang ang naging banta ng pangulo dahil panahon na upang hakutin ng Canada ang basurang itinambak nito sa bansa mula pa noong 2013.

Kaugnay nito, nilinaw rin naman ni Panelo na hindi nangangahulagan na totoong magdedeklara si Pangulong Duterte ng “All Out War” kontra Canada, bagkus ay nais lamang aniyang ipakita ng pangulo na hindi pahihintulutan ng pamahalaan na gawing tambakan ng basura ng ibang bansa ang Pilipinas.

(with report from Jopel Pelenio)


Bantang giyera sa Canada ng pangulo hindi dapat sakyan ng publiko

Hindi dapat sakay nang sakay ang publiko sa mga sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging pahayag ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay ng naging banta ng pangulo na magdedeklara ito ng giyera kontra Canada kung hindi pa nito kukunin ang mga basura nito sa bansa.

Una rito, umani ng batikos ang naging banta ng pangulo dahil matapang umano itong mag-banta sa Canada ngunit hinahayaan lamang nito ang China na nanghihimasok na sa teritoryo ng bansa.

Ayon kay Sotto, salita lamang at walang katotohanan ang naging banta ng pangulo kaya’t hindi na dapat itong pag-aksayahan pa ng panahon ng publiko.

(with report from Cely Ortega- Bueno)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -