Pansamantalang sinuspinde ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagtanggap ng mga bagong scholar sa pagbubukas ng klase.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera, ito ay matapos na matapyasan ang pondo ng edukasyon alinsunod sa National Budget Circular 580.
Samantala, nagbabala naman ang Alliance of Concerned Teachers – State Universities and Colleges (ACT-SUC) na maaari itong magdulot ng mataas na dropout rate at layoff sa mga public higher education institutions.
Dahil dito, hinahamon nila ang CHED na humanap ng paraan upang maprotektahan ang institusyon laban sa mga ilegal umanong tapyas sa pondo ng edukasyon.