Patuloy na nadaradagan ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng pulisya.
Batay sa pinakahuling datos ng Philippine National Police (PNP), umakyat na sa 315 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19.
Mula sa naturang bilang, 163 na ang nakarekober sa sakit habang nananatili naman sa apat ang mga nasawi.
Nasa 696 naman ang bilang ng probable case sa PNP habang 677 naman ang suspected cases.
Samantala, pinapayuhan naman ng PNP ang kanilang mga tauhan na agad na makipag-ugnayan sa PNP Health Service sakaling makaranas ng kahit anong sintomas ng COVID-19.