Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) ang aabot sa P1-bilyong halaga ng mga pekeng sigarilyo at tax stamps sa isang warehouse sa Victoria Alicia, Isabela.
Ayon sa BOC, ang mga narekober na pekeng foreign tax stamps ay nagpapatunay na ine-export ang mga pekeng sigarilyo sa ibang bansa.
Samantala, tinatayang nasa 8.7-tonelada naman ng mga ilegal na imported na gamot, cosmetics, sigarilyo at electric goods ang nakumpiska sa operasyon ng BOC-NAIA sa iba’t ibang warehouse na walang kaukulang permit at clearance sa Trece Martires, Cavite noong nakaraang Biyernes.
Dahil dito, sinira na ng BOC ang lahat ng mga nasabat upang matiyak na hindi na ito maibenta pa sa mga merkado.