Pagtanggal ng travel ban sa Taiwan hiniling ni Bello sa DOH

Pagtanggal ng travel ban sa Taiwan hiniling ni Bello sa DOH

by Powered by DWIZ
68 views

Hiniling ni Labor Secretary Silvestre Bello lll sa Department of Health (DOH) na tanggalin na ang travel ban sa Taiwan para sa kapakanan ng mga OFW’s na babalik sa kanilang trabaho.

Nagpahayag ng pangamba si Bello na maapektuhan ang trabaho ng mga Pinoy sa Taiwan.

Hindi rin anya itinatago ng mga OFW’s na babalik na sana taiwan subalit naabutan ng ban na maibigay sa iba ang kanilang trabaho.

Una rito, hindi itinago ng Taiwan ang pagkadismaya nang isama sila sa travel ban na ipinatupad laban sa China dahil sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Binigyang diin ng Taipei Economic and Cultural Office na ang Taiwan ay isang malayang bansa na hiwalay sa Peoples Republic of China.

Nilinaw naman ng Malakanyang na walang kinalaman sa One China Policy ang pagsama nila sa Taiwan sa travel ban.

0 comment

Related Posts