Pagtanggal ng security assistance ng US sa bansa hindi kawalan — Lacson

0
33

Hindi kawalan sa Pilipinas kung hindi kawalan sa Estados Unidos ang pagpasa sa panukalang batas na naglalayong suspindihin ang ipinagkaloob ng Amerika na security assistance sa bansa dahil umano sa isyu ng paglabag sa karapatang pantao.

Ito ang inihayag ni Senate Committee on National Defense and Security Chairman, Senator Panfilo Lacson.

Ayon sa senador, bagamat karapatan ng mga miyembro ng kongreso sa Amerika na magsumite ng kahit anong panukalang batay ay dapat rin anila ikonsidera sa deliberasyon at pagpapasa ng naturang panukala ang posibleng isyung legal o implikasyon nito.

Ipinapaalala rin ni Lacson ang umiiral na mutual defense treaty at visiting forces agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.