Dapat na irekonsidera ng gobyerno ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ang inihayag ni Senate President Vicente Sotto III, oras aniya na maipasa ng US congress ang panukalang batas na naglalayong suspindihin ang pinagkaloob na security assistance sa ating bansa.
Giit pa ng senador, ano pa aniyang silbi ng VFA kapag inaprubahan na ng kongreso sa Estados Unidos ang panukalang batas ni Pennsylvania Representative Susan Wild na nagpapasuspinde sa ipinagkakaloob na security assistance sa Pilipinas dahil umano sa isyu ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa.
Matatandaang isinulong noong Pebrero ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbasura sa VFA matapos na kanselahin ang US passport ni Senator Ronald Dela Rosa. Hanggang sa pinasuspinde muna ng Pangulo ang proseso sa pag-terminate sa naturang kasunduan.
Paliwanag naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, pinasuspindi na lamang ito ng Pangulo dahil hindi aniya ito tamang pagkakataon na wakasan ang VFA dahil may kinakahanap pa aniyang pandemya ang buong mundo kung saan kailangan ng bawat bansa na magtulungan laban sa pandemya.