DILG walang anumang excuse na tatanggapin mula sa mga gov’t official na magpopositibo sa drug test

0
50

Walang anumang “excuse” ang tatanggapin ng Department of Interior and Local Government (DILG) mula sa mga kawani ng gobyerno na magpopositibo sa drug test.

Ayon kay Assistant Secretary RJ Echieverri, mahigpit na ipatutupad ang “one strike policy” ng Dangerous Drugs Board (DDB) na patalsikin sa trabaho ang sinomang empleyadong mapapatunayang gumagamit ng iligal na droga.

Magugunitang nuong nakaraang buwan ay naglabas ang DDB na direktiba kung saan layong tiyakin na drug-free ang lahat ng tanggapan ng gobyerno.