Pagtaas ng presyo ng school supplies asahan na

0
76

Pinaghahanda na ng pulisya ang publiko sa inaasahang dami ng tao at mabigat na daloy ng trapiko sa ilang mga pamilihan, partikular na sa Divisoria sa Maynila.

Ito ay dahil inaasahan na ang pagdagsa ng publiko ngayong weekend para mamili ng school supplies dahil sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 3.

Ayon kay Police Maj. General Alden Panganiban, hepe ng Juan Luna Police Precinct sa Maynila, patuloy ang kanilang clearing operations sa mga kalsada dahil sa pagdami ng ilang vendor na nakaharang sa daan.

Kasabay nito, pinayuhan rin ni Panganiban ang mga mamimili na asahan na ang pagtaas ng presyo ng mga school supplies.

Samantala, una namang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na tumaas ng 6% ang presyo ng mga school supplies kagaya ng notebook, writing pads, lapis at iba pa.