Duterte umaasang magiging disiplinado rin ang mga Pinoy gaya ng mga Hapon

0
49

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging disiplinado rin ang mga Pilipino kagaya ng mga Hapon.

Ito ang binigyang diin ng pangulo kung saan sinabi nitong lubos niyang hinahangaan ang pagpapahalaga ng mga Hapon sa “law and order.”

Anya, sa Japan ay malaki ang pagpapahalaga ng mga mamamayan sa batas at pag-iwas ng mga ito sa paggawa ng mga hakbang na may masamang epekto sa lipunan.

I won the presidency on a platform of law and order. I wish to see the Philippines that is like Japan, and the people’s commitment to follow the law or civic mindedness is so developed that people instinctively refrain from actions that are detrimental to society as a whole.” ani Duterte.

Kasabay nito, muli namang pinasalamatan ng pangulo ang mga Japanese investors na nais mag negosyo sa Pilipinas.

Aniya, makatitiyak ang mga Japanese businessmen na ligtas ang kanilang pera dahil walang korapsyon sa kaniyang administrasyon.

Kasabay nito, binigyang diin rin ni Pangulong Duterte na malaki ang pangangailangan ng Pilipinas sa mga foreign investments dahil makatutulong aniya ito sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Who wants it? My country needs it. No, the investors… Japanese, Chinese. The first thing is, is our money safe? In my term, it is safe. Is there no corruption? There is no corruption. I have killed all of them already, ah, some, but not all. And, that is your first question. Are our money safe? Is the environment good? I said, if you are an investor, I’m sure that you have a local partner, or an agent, or somebody that is an errand boy. If you have a problem we encore hindrances and somebody is asking money for you, even one peso, you have an access to my office in Pasig. 24 hours a day, you just wake me up and I will call the guy who’s shaking you up. That is my promise, that is my word.” dagdag pa ng pangulo.