Sunday, May 12, 2024

Pagbasura sa Smartmatic suportado ng NAMFREL

- Advertisement -

Suportado ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) ang rekomendasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang gamitin ang Smartmatic sa susunod na automated elections.

Sa isang pahayag, sinabi ng NAMFREL na hindi dapat sangkot ang mga foreign election system provider sa halalan sa Pilipinas.

Kaugnay nito, umapela ang NAMFREL sa mga election lawyer at I.T. experts sa bansa na mag-umpisa nang gumawa ng maayos na automated election system.

Dagdag pa ng NAMFREl, panahon na upang mabigyang pagkakataon ang mga eksperto sa bansa, na bumalangkas ng sariling election system para sa Pilipinas.

Magugunitang noong Huwebes lamang nang inatasan ng pangulo ang COMELEC na humanap ng bagong system provider upang maka-iwas sa aberya sa darating na 2022 elections.


PPCRV hindi kumbinsidong hindi na magkakaroon ng aberya sa halalan sa pagbasura sa Smartmatic

Hindi naman kumbinsido ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na hindi na magkakaroon ng aberya sa halalan kung papalitan ang kumpanyang hahawak sa automated election ng bansa.

Ito ang naging reaksyon ni PPCRV board member Dr. Arwin Serrano kaugnay ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat palitan ng COMELEC ang Smartmatic.

Ayon kay Serrano, kahit pa magkaroon ng bagong partner ang COMELEC sa automated elections ay hindi ito garantiya na hindi makararanas ng mga aberya.

Gayunman, sinabi rin ni Serrano na nais pa rin nilang marinig ang pinal na desisyon ng pangulo at ng COMELEC.

Samantala, muli namang iginiit ng PPCRV na nais nilang malaman ang resulta sa ginawang forensic investigation sa mga narasang aberya nitong nakalipas na midterm elections.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -