Radio Philippines Network
Sports & Entertainment

Issa Pressman naglabas na ng pahayag sa hiwalayang Jadine

Binasag na ng modelong si Issa Pressman ang kanyang katahimikan matapos na isangkot sa hiwalayan ng Jadine o real partners na sina James Reid at Nadine Lustre.

Sa instagram post ni Issa, ang nakababatang kapatid ng aktres na si Yassi Pressman, naglabas ito ng maikli pero malalim na pahayag kasama ang isang larawan.

Sa caption ni Issa, kanyang sinabi na kung nananahimik siya ay paparatangan siya bilang guilty at kung ipagtatanggol niya ang kanyang sarili ay tatawagin naman siyang defensive.

Sa huli iginiit ni Issa na 100% hindi totoo ang lahat ng mga naglalabasang balita hinggil sa kanya.

Magugunitang, ibinabato kay Issa ang alegasyon bilang 3rd party sa hiwalayan ng Jadine na kapwa na rin itinanggi nina James at Nadine.

 

Related posts

Sparring sessions ni Pacman babasan habang papalapit ang laban kay Thurman

Powered by DWIZ

Ikatlong puwesto sa all-time scoring list ng NBA posibleng maagaw ni Lebron James kay Kobe Bryant

Powered by DWIZ

Yasmien Kurdi nagtapos bilang magna cum laude

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More