Saturday, May 18, 2024

Pagsusumite ng medical certificate ng lahat ng bibisita sa senado ipatutupad- Sotto

- Advertisement -

Obligado na nang magsumite ng medical certificate ang lahat ng bisita at resource person na dadalo sa mga public hearing sa gusali ng senado simula Oktubre 1.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, dapat isumite sa tanggapan ng Senate Sergeant at Arms ang medical certificate sa loob ng 24 oras bagong ang nakatakdang pagtungo sa senado.

Maliban dito, kinakailangan din aniyang nakasuot ng face shield bukod pa sa face mask ang mga bisita alinsunod na rin sa umiiral na ordinansa sa Pasay City.

Para naman kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, mas maigi kung sasailalim muna sa swab test ang mga pupunta sa senado.

Gayunman sinabi ni Sotto na kanila nang ipinauubaya sa mga doktor ng mga bibisita sa senado ang pagpapasiya kung kinakailangan nilang magpa-swab test bago bigyan ng medical certificate.

Inirekomenda ng medical bureau ng senado ang naturang bagong polisiya bilang paghihigpit sa inaasahang pagdami ng kanilang mga bisita at resource person dahil sa ginaganap na pagdinig sa proposed 2021 national budget. —  ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -