29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Pagsilbi Ng Search Warrant Sa Incumbent Brgy. Kgwd Sa Tambo Buhi CamSur, Nauwi Sa Armed Confrontation; Suspek Patay

- Advertisement -

Dead on Arrival sa ospital ang isang incumbent brgy. kagawad sa Tambo, Buhi, Camarines Sur matapos umano nitong subukang manlaban sa pagsilbi sa kanya ng Search Warrant ng mga otoridad alas-6:59  ng gabi kahapon, Abril 25, 2021.

Kinilala ang suspek na si Froilan Saez Oaferina III, 45 anyos, may asawa, incumbent Brgy Kagawad sa Tambo, Buhi Camarines Sur at itinuturing na High Value Individual.

Sa ikinasang operasyon ng mga otoridad, sinasabing sisilbihan si Oaferina ng Search Warrant sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591) na ibinaba ng korte pero matapos umanong magpakilala ang mga otoridad at sabihin ang kanilang sadya ay agad na bumunot ang suspek ng baril para paputukan ang mga otoridad daan para unahan ng mga ito ang suspek na nagresulta sa pagkamatay nito.

Agad namang isinugod sa Buhi Community Hospital ang suspek pero idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor.

Sa ngayon, ang labi ng suspek ay nasa Esquibel Funeral Homes services sa Brgy. San Buena, Buhi Camarines Sur para sa autopsy examination.

Sinisikap pang kunan ng impormasyon ang panig ng pamilya.

(Source: PNP Buhi Camarines Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -