Friday, May 17, 2024

Pagsasampa ng kaso laban sa Chinese Crew ibinabala ng Malakanyang

- Advertisement -

Ibinabala ng Palasyo ng Malacañang na magsasampa ng kaso ang Pilipinas laban sa Chinese crew na bumangga sa bangkang pangisda na lulan ang 22 maningisdang Pinoy sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito lamang ay kung hindi magbabayad ng danyos ang Chinese crew sa mga pilipinong mangingisda.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Panelo na aalamin rin ng pamahalaan kung talagang desidido ang Chinese crew na magbayad sa pinsala at perwisyong idinulot nila sa mga naturang mangingisda.

Dagdag pa ni Panelo, hindi biro ang naranasang takot ng mga mangingisda matapos itong abandonahin sa gitna ng karagatan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -