Friday, May 3, 2024

Piñol walang pwesto sa BARMM — Ebrahim

- Advertisement -

Walang pwesto si Agriculture Sec. Manny Piñol sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ayon kay BARMM Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim, hindi kasama sa binuong istraktura ng BARMM na may kailangan italagang point person o magsisilbing tulay sa Malakaniyang.

Dahil dito, nais umano kausapin ni Ebrahim si Pangulong Rodrigo Duterte upang linawin sa nais nitong maging papel ni Piñol sa BARMM.

Magugunitang, inihayag ng pangulo na plano niyang ilipat ang kalihim sa Mindanao Development Authority.


Samantala, tiniyak parin ng Malacañang na labis pa ring pinagkakatiwalaan ni Pangulong Eodrigo Duterte si Agriculture Sec. Manny Piñol.

Ito, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo kung saan sinabi nito na kilala nang husto ng pangulo si Piñol kung kaya’t ito ang napiling pinuno ng Mindanao Development Authority.

Anya, nararapat lamang na italaga si Piñol sa Mindanao Development Authority kaysa sa ibang indibidwal na hindi naman kilala ng pangulo.

Kaugnay nito, tiwala rin naman si Panelo na ang malawak na kaalaman at karanasan ni Piñol sa agrikultura ay makatutulong nang husto sa pagpapaunlad sa BARMM o Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

(Contributor: Ashley Jose)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img