PNP pinabulaanan ang pahayag ni Joma Sison ukol sa kudeta

0
45

Pinabulaanan ng PNP o Philippine National Police ang naging pahayag ni CPP-NPA Founding Chairman Jose Maria Sison na maaring utusan ng Amerika ang PNP at AFP upang magdeklara ng kudeta laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito, ayon mismo kay PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac, kung saan sinabi nito na hindi tuta ng Estados Unidos ang pulisya.

Anya, walang basehan ang naging pahayag ni Sison dahil tapat ang pulisya sa kanilang tungkulin at tiniyak nito na tatalima ang PNP sa konstitusyon.

Kaugnay nito, nanindigan rin naman si Banac na hindi na kailangan pang imbestigahan at siyasatin ang kanilang hanay dahil lubos anya siyang nakatitiyak na hindi manggagaling sa PNP ang naturang hakbangin.

β€œIto pong pahayag na ganito ay wala pong basehan. Alam naman po natin na ang Philippine National Police ay tapat sa kanilang tungkulin at ito ay mananatili po na tatalima sa ating konstitusyon at susunod lamang po sa mga umiiral na mga batas dahil tayo po ang tagapagpatupad so malayo pong mangyari ang ganitong mga iligal. Well, matagal na itong usapin na ito at hindi na namin kailangan pa na magkaroon muli ng ganitong mga loyal check dahil kilala po namin ang bawat isa po sa amin at naniniwala po kami talaga na wala pong manggagaling, kung sakali man, walang manggagaling mula sa Philippine National Police ng ganito.” — PNP Spokesman Bernard Banac

(Ratsada Balita interview)