Pagsasabatas ng 2019 national budget tiniyak

0
58

Tiniyak ng Senado na agad maisasabatas ang 2019 national budget sa sandaling totohanin ng Kamara ang pangakong babawiin nito ang isinumite nilang kopya sa Malakanyang.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, agad niyang pipirmahan ang budget kung ibabalik ito ng Kamara sa orihinal na niratipikahan nilang budget.

Muling nilinaw ni Sotto na hindi ang itemized version ang kanilang kinukuwestyon kundi ang mga internal allignments na ginawa ng mababang kapulungan.

Kasabay nito, kinontra ni Sotto ang pahayag ni Cong Rolando Andaya na kailangan pang idaan sa plenary approval ang pagbawi sa isinumite nilang budget sa Malakanyang.

Matatandaan na maraming proyekto ng pamahalaan ang nakabitin ngayon dahil re enacted o 2018 budget pa ang gamit ng pamahalaan sa kasalukuyan.