Isang buwan na exemption sa pagbabayad ng bill sa mga customer ng Manila Water inihirit

0
109

Dapat hindi pagbayarin ng Manila Water ng isang buwan ang kanilang mga customers.

Mungkahi ito ni Administrator Reynaldo Velasco ng MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa harap ng dusa at hirap na dinanas at dinaranas pa ng mga customers ng Manila Water dahil sa biglaang pagkawala ng tubig.

Agad namang nilinaw ni Velasco na mungkahi lamang ito at nasa kamay na ng MWSS ang pagpapasya kung ililibre muna ng isang buwan ang kanilang customers mula sa pagbabayad ng tubig.

Samantala, tiniyak naman ni Jeric Sevilla ng Manila Water na siguradong pag uusapan ang isyu ng refund matapos na matalakay ito sa hearing ng mababang kapulungan ng kongreso.

“Yung refund po na mechanism kung meron man, ito po ay isang discussion with regulatory office kasi sila po ang kumbaga ang nag a-approve o nag-aaral ng ano mang adjustments sa taripa whether pataas or pababa o yung sinasabi po na refunds so I’m sure after po ng hearing kahapon, inatasan din naman po or naging tanong din po yan ng mga congressman natin so I’m sure pinag aaralan po ng regulatory iyon.”