Hepe ng Quezon PNP sinibak

0
60

Sinibak ang hepe ng Quezon Provincial Police Office sa harap ng di umano’y barilan sa pagitan mga pulis Tayabas at anak ng mayor ng Sariaya, Quezon.

Ayon kay Chief Supt Edward Carranza, direktor ng CALABARZON PNP, sinibak niya si Senior Supt Osmundo De Guzman dahil sa command responsibility.

Matatandaan na noong March 14, dalawang lalakeng naka motorsiklo ang iniulat na dalawang nagpaputok sa isang gasolinahan sa Tayabas City sa hindi tinukoy na dahilan.

Agad namang rumesponde ang mga elemento ng Tayabas PNP at nakabarilan di umano ang dalawang suspeks kung saan nasawi ang mga ito.

Kalaunan ay nakilala na isa sa mga napatay na suspek ay si Christian Gayeta, 21 anyos na anak ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta.

(with report from Jaymark Dagala)