Maglulunsad na ang Department of Health ng imbestigasyon kaugnay sa pagsabog ng vape o e-cigarette na ikinasugat ng isang binatilyo na kasalukuyang naka-confine sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, pupulungin niya ang mga opisyal ng Food and Drug Authority bukas.
Dagdag ng kalihim, dapat aniyang malaman ang tunay na dahilan ng pagsabog at kung paano ni-re-regulate ang paggamit ng vape.
Samantala, ipinanawagan na ng Philippine E-Cigarette Industry Association sa gobyerno ang pag-regulate sa paggamit vape upang ma-protektahan ang mga gumagamit nito.