Mga narekober na bangkay sa Mt. Province kaugnay sa Natonin Landslide umakyat na sa 14

0
39

Umakyat na ngayon sa 14 ang mga bangkay na narekober ng mga otoridad sa nagpapatuloy na retrieval operation sa Natonin, Mt. Province, matapos matabunan ng lupa ang gusali ng DPWH sa kasagsagan ng pananalasa ni Bagyong Rosita.

Inaasahan naman ng Mt. Province Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, na mas mapapabilis na ang search and rescue operations sa Natonin dahil tuluyan nang nakapasok sa ground zero ang mga heavy equipment kagabi.

Samantala, isinapubliko na ng Mt. Province PDRRMO ang listahan ng mga biktima ng landslide na direktang tumama sa gusali ng DPWH.

Kinilala ang walo sa mga nasawi na sina Elberto Botco, Joel Arevalo, Jun Jun Laron, Benito Longan, Gregorio Castro, John Tinmakcheg, Juanito Longan at Virginia Catet.