29.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Pagpapatupad na pagpapahaba ng operation hours ng mga supermarkets mahihirapan

- Advertisement -

Aminado ang Philippine Amalgated Supermarkets Association na mahihirapan silang ipatupad ang ipinapanukalang extended hours para sa mga supermarkets.

Ito ang naging tugon ni Steven Cua, pangulo ng Philippine Amalgated Supermarkets Association, matapos na umapela ang Inter Agency Task Force (IATF) na dapat gawing 12 oras ang operasyon ng mga pamilihin, supermarkets at botika sa bansa.

Ayon kay Cua, kulang rin kasi sila sa tao kaya’t hindi nila kakayanin ang sinasabing pagpapalawig ng oras sa kanilang operasyon.

Gayunman, sinabi naman ni Cua na sapat naman ang suplay ng mga pagkain at iba pang produkto sa mga supermarkets habang umiiral ang enhanced community quarantine.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -