Mga gumaling na sa COVID-19 ipinanawagan na mag-donate ng dugo

0
12

Nanawagan ang Philippine General Hospital (PGH) sa mga pasyenteng nakarekober sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na mag-donate ng dugo.

Ito ay matapos na mapag-alamang nagtataglay ng anti bodies ang dugo ng mga pasyenteng gumaling sa virus na maaring magamit panlaban sa sakit.

Sa isang panayam sinabi ni Dr. Jonas Del Rosario, tigapagsalita ng PGH, mayroon na kasing anti bodies ang dugo ng isang gumaling na pasyente na maaring makatulong sa gamutan ng mga COVID-19 patients na nasa kritikal na kundisyon.

Batay sa ulat, ang plasma ang siyang kukunin para sa transfusion o tinatawag na convalescent plasma transfusion.

Nabatid na ganitong treatment din ang ipinatupad sa Wuhan China para sa ilang COVID-19 patients.

Sa ngayon, nasa 50 na ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa Pilipinas.