Pagpapatayo ng high rise building sa likod ng Quiapo Church ‘di pahihintulutan

0
64

Hindi pahihintulutan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagtatayo ng high rise building sa likod ng Quiapo Church.

Ito ay kaugnay ng na-aprubahang pagtatayo ng siyam na palapag na commercial building, na itatayo 10-metro ang layo sa simbahan ng Quiapo.

Ayon kay Moreno, magiging panibagong photobomber na naman ang itatayong gusaling ito.

Anya, wala namang problema sa pagtatayo ng mga gusali, ngunit ibang usapan na kung may mapeperwisyo cultural heritage.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Moreno na nais niyang masuri nang mabuti ang lahat ng dokumento para sa mga itatayong gusali sa Maynila.