Duterte nakiramay sa yumaong si Rene Lumawag

0
44

Nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa lamay ng isang photojournalist na nag-cover sa kanya sa loob ng apat na dekada.

Kagabi ay dumating ang pangulo sa Davao Cosmopolitan Funeral House kung saan nakiramay siya sa pamilyang naiwan ni Rene Lumawag.

Sinubaybayan ni Lumawag ang career ng pangulo simula pa noong naging prosecutor ito noong 1985 hanggang sa maging pangulo na ng bansa.

Kasama si Lumawag sa mga dinala ng pangulo sa Malakanyang kung saan siya nagsilbing isa sa mga  presidential photographers.

Pumanaw si Lumawag sa sakit na prostate cancer sa edad na 74 anyos.