Internal cleansing sa NCRPO magpapatuloy

0
43

Nanindigan si NCRPO Chief Maj./Gen. Guillermo Eleazar na magtutuloy-tuloy ang isinasagawa nilang internal cleansing sa hanay ng pulisya.

Ito ay matapos umabot sa 700 pulis ang nasibak sa Metro Manila, mula noong 2016 dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa ilang mga iregularidad.

Ayon kay Eleazar, napapanahon at nararapat lamang ang kanilang isinasagawang paglilinis sa hanay ng pulisya dahil nadoble na ang sahod ng mga pulis.

Kaugnay nito, tiniyak rin ni Eleazar na mas paiigtingin pa nila ang kanilang hakbang upang matiyak na ginagawa ng mga pulis ng tama ang kanilang tungkulin sa bansa.

Tuluy-tuloy ‘yung ating internal cleansing na isinasagawa dito nga sa nakaraang tatlong taon, total of 711 policemen ‘yung ating nasibak sa serbisyo. Ito ‘yung after due process ay mabigyan natin ng desisyon na tanggalin sa kanilang serbisyo dahil sa kanilang mga iregularidad o offenses na isinagawa. So maaaring itong mga kasong ito ay nangyari noong mga nakaraan pa, pero during this last, ditto ito napirmahan,” ani Eleazar.

Ratsada Balita Interview