Pagpapalit sa oplan ‘tokhang’ suportado ng Malacañang

0
16

Welcome sa palasyo ng Malacañang na palitan ang anti-drug war campaign ng pamahalaan na oplan ‘tokhang’.

Ito ang naging tugon ni Presidential spokesman Salvador Panelo sa panawagan ni Vice President at Inter-Agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) Co-chairperson Leni Robredo na buwagin ang oplan ‘tokhang’ dahil sa hindi magandang imahe nito sa publiko.

Ayon kay Panelo, dapat na mabigyan ng pagkakataon si Robredo na makapag latag ng sarili niyang hakbang upang masolusyunan ang problema sa iligal na droga.

Aniya, suportado ng Malacañang ang mga panukala at diskarte ng pangalawang pangulo laban sa illegal drugs.

Una rito, nanindigan si Robredo na dapat nang palitan ang oplan ‘tokhang’ ng makataong kampanya laban sa iligal na droga dahil ang problema aniya sa illegal drugs ay isang medical at sociological problem.

Gayunman, nilinaw naman ni Panelo na bagamat buo ang suporta ng pangulo kay Robredo na ma-solusyunan ang problema sa iligal na droga ay hindi naman nangangahulugan na hands-off na ang Pangulong Rodrigo Duterte sa anti drug war campaign.

We will give her all that she needs. As I have said in my statement, she should be given a latitude and she should pursue her own scheme of things in pursuing the drug war initiated by this administration,”  —ani Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo.