Baguio City – Hinikayat kamakailan lamang ang lokal na opisyal ng Lungsod ng Baguio ang pagpapalakas ng programa ukol malusog na pangkaisipan sa mga pinagtatatrabuhan sa publiko o mapribado man sa lungsod. Sa ilalim ng Resolution No. 647, series of 2023, ang mga lokal na mambabatas ang nasabi na programang sa malusog na pangkaisipan sa lugar na pinagtatrabuhan ay nagtataguyod ng balanse sa trabaho-buhay sa mga manggagawa bilang isang tao.
Ayon sa mga mga mambabatas, ito ay nanghihikayat na maging produktibo at ganado pa sa pagtatatrabaho.
Noong kasagsagan ng Senior Citizens officials For-A-Day (SCOFAD) session noong nakaraang Oktubre, ang SCOFAD Council ay kanilang tinangkilik ang panukala ni Konsehal Elma Buaguen na humihikayat ng pagtatayo o pagpapalakas ng programa sa malusog na pangkaisipan sa mga pinagtatatrahuhan sa publiko man o sa pribadong sektor ng lungsod ng Baguio.
Kamakailan lamang, ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagpalabas ng Department order No. 201, series of 2020 na nagbibigay ng panuntunan para sa pagsasagawa ng mental health workplace policies at programa sa pribadong sektor at ito ay dinagdagan pa ng Labor Advisory No. 19, series of 2023. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Public Information Office)
