Pagpapaigting sa community-based rehab program isusulong ni Robredo

0
13

Nais ni Vice President Leni Robredo na paigtingin ang community-based rehabilitation program para malutas ang problema sa iligal na droga.

Ito  ang inihayag ni Robredo matapos nitong maka-pulong ang ilang mga opisyal ng United Nations-Office on Drugs and Crime (UN-ODC) kahapon, Nobyembre 11.

Ayon kay Robredo, napag-alaman  na 90% ng drug dependents sa bansa ay nasa kategorya ng occasional drug users o minsanang gumamit ng iligal na droga habang 10% lamang ng mga drug dependents ang kailangan ng institutional intervention o yung mga talagang lulong na sa iligal na droga.

Dahil dito, sinabi naman ni Office of the Vice President (OVP) Undersecretary Boyet Dy na  batay sa naganap na pulong sa pagitan ng pangalawang pangulo at ng mga opisyal ng U.N. ay mas matutukan kasi ng community-based rehabilitation programs ang malaking porsyento ng drug dependents.

Aniya, naka-base ang nasabing hakbang mula sa ibang bansa sa Southeast Asia kung saan subok na aniya itong epektibo upang masolusyunan ang problema sa illegal drugs.

Gayunman, una na naman ini-rekumenda ni Robredo ang pagtatayo ng isang rehabilitation center sa kada probinsya.