Susunod na PNP chief maaaring wala sa shortlist ng DILG —Go

0
11

Prerogative ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling sa hanay ng one star general siya pumili ng itatalaga na susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang inihayag ni Senator Bong Go makaraang igiit na posibleng hindi sa tatlong (3) contender na nasa shorlist pumili ang pangulo ng itatalaga na susunod na hepe ng PNP.

Hinahanap aniya ng pangulo ay kung sino ang pinaka tapat na PNP official na maaaring mamuno sa PNP.

Hanggang ngayon ay wala pang nahihirang ang pangulo na ipapalit sa nagresign at nagretiro na nasi dating PNP chief Oscar Albayalde.

Bagamat ayon kay Go, lahat naman ay ng mga contender ay kwalipkado  pero nahihirapan ang president na pumili kung sino ang pinaka honest sa mga ito —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19).