Duterte patuloy na magtatrabaho sa Davao —Malacañang

0
12

Binawi ng palasyo ng Malacañang ang pahayag nito na magpapahinga ng tatlong araw si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa tambak nitong trabaho.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi na susunod ang pangulo sa payo ng kaniyang mga kaibigan, pamilya at doctor na magpahinga at manatili na muna sa Davao kasama ang kanyang pamilya.

Paliwanag ni Panelo, napag-desisyunan ng pangulo na sa halip na magpahinga ay magta-trabaho na lamang ito sa kaniyang bahay sa Davao at tapusin ang ilang mga paperworks.

Magugunitang, una nang sinabi ni Panelo na magkakaroon ng three-day rest day ang pangulo simula ngayong araw, November 12.

Samantala, muli namang iginiit ni Panelo na walang medical concern ang pangulo at walang dapat ikabahala ang publiko hinggil sa kalusugan nito.