28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pagpapabalik sa mga apektado ng Bulkang Taal nasa kamay ng mga Alkalde

- Advertisement -

Ipinauubaya na ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa mga Alkalde ang pagpapasya kung pababalikin na o hindi sa kanilang bahay ang mga kababayan nilang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ito’y makaraang pormal nang ibinababa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa level 3 ang alerto ng Bulkang Taal kahit may mga aktibidad pa silang nakikita rito.

Gayunman, sinabi ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas na hindi pa ring uubrang buksan sa mga residente ang mga bayan ng Agoncillo at Laurel dahil pasok ito sa 7 kilometers danger zone na tinukoy ng PHIVOLCS.

Ang pagpapasya kung sila ay babalik o hindi kailangan talagang pag-isipan that it is still possible, that Taal volcano may still erupt, level 3, and therefore all returning residents must be constantly alert and vigilantly ready to evacuate within one hour,” ani Mandanas.

Kasunod nito, sinabi ni Mandanas na mananatiling suspendido ang klase sa elementarya at sekondarya sa kanilang lalawigan dahil marami sa mga paaralan ang ginagamit pa rin bilang evacuation center.

Papaano yung mga bata? Hindi natin pinapupunta yung mga bata, pinapapag-isip natin yung mga magulang kung sila ay babalik o hindi. Kung maari sa kanilang pag-iisip baka yung mga bata iiwanan muna sa evacuation center, yung munang ama, iiwanan yung ina dito pero yoon kanila nang desisyon,” ani Mandanas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -