28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

12 mga pasahero sugatan matapos tumagilid ang isang jeepney sa Marikina City

- Advertisement -

Sugatan ang 12 pasahero ng isang jeepney makaraang tumagilid iyon sa bahagi ng Marcos Highway sa Marikina City kaninang umaga.

Batay sa salaysay ng mga pasahero, nakikipagkarera umano ang hindi pa nakilalang driver ng jeepney nang bigla itong sumadsad ng 50 metro bago ito huminto.

Bagama’t walang nabangga o tumilapon, naalog naman ang mga pasahero na sakay ng naturang jeepney kaya’t marami sa mga ito ang nagtamo ng sugat.

Agad dinala sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang mga sugatang pasahero habang nilinis na ng MMDA at Marikina Rescue 161 ang nagkalat na krudo mula sa lugar ng aksidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -