Net revenue ng TRAIN nalampasan ang target ng pamahalaan

0
68

Nalampasan ng net revenue ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act ang target ng gobyerno na 8.1 percent noong 2018.

Ayon sa Department of Finance (DOF), batay sa kanilang Strategy, Economics and Results Group (SERG) pumalo ang net revenue ng TRAIN law sa halos P65 billion nuong nakalipas na taon.

Ito ay mas mataas kumpara sa mahigit P63 billion na target ng gobyerno.

Ipinabatid ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, head ng SERG, na pinakamalaking kita ay nagmula sa tobacco excise, auto excise at documentary stamp tax collections.

Ang personal income tax collections ay mas mataas din aniya sa inaasahan dahil sa pinabuting compliance at pagtaas ng bilang ng registered taxpayers.

—–