Paglobo ng bilang ng POGO sa bansa nais imbestigahan

0
42

Nais imbestigahan ng mga mambabatas sa Kamara ang paglobo ng bilang ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ito’y makaraang magpahayag ng pagkabahala si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga POGO sites lalo na iyong itinayo malapit sa mga kampo militar at pulisya sa Metro Manila.

Ayon kay PBA Partylist Rep. Jericho Nograles, maselang usapin aniya ang pagsulpot ng mga POGO partikular na sa seguridad ng bansa.

Sa panig naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, may kapasidad aniya ang mga Tsino na nagtatrabaho sa mga POGO gamitin ito sa pang-iispiya.

Pagbubunyag pa ni Nograles, may mga natatanggap din siyang impormasyon mula sa ilang Pilipino na kaduda-dudang kilos ng mga Tsinong manggagawa sa POGO hubs na animo’y mga sundalo.