Cardema nagpasaklolo na kay PRRD at sa SC

0
100

Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte gayundin sa mga mahistrado ng Korte Suprema si dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema

Ito’y kasunod ng pagbubunyag ni Cardema hinggil sa umano’y insidente ng pangingikil sa kaniya ni COMELEC o Commission On Elections Commissioner Rowena Guanzon kapalit ang Accreditation ng kanilang grupo

Sa isang pulong balitaan kahapon, emosyunal ding sinabi ni Cardema na nahihirapan na sila ng kaniyang asawa at nanganganib pa umanong malaglag ang kanilang magiging anak

Dagdag pa ni Cardema, hindi na rin niya masikmura ang araw-araw na pambubulabog sa kaniya ni Guanzon na siyang numero unong humaharang sa kaniyang pag-upo bilang lehitimong miyembro ng Karama De Repesentantes

Magugunitang naghain ng Application for Substitution si Cardema bilang unang nominado ng Duterte Youth Partylist Group makaraang umatras ang mga orihinal na nominado nito

Subalit ibinasura ito ng COMELEC dahil sa ito’y nasa edad 34 anyos na at lagpas sa edad ng pagiging Youth Sector Representative sa ilalim ng batas na 25 hanggang 30 anyos lamang