Paglipat kay Lapeña sa TESDA hindi sapat — VP Robredo

0
79

Hindi sapat para kay Vice President Leni Robredo na ilipat lamang si dating customs commissioner Isidro Lapeña bilang bagong pinuno ng TESDA.

Ayon kay Robredo, dapat ay magkaroon ng malalimang imbestigasyon ang nangyaring pagpasok ng bilyon bilyong pisong halaga ng iligal na droga na isinilid sa magnetic lifters.

Aniya, matapos ang ilang buwan na paulit – ulit na pagtanggi ay tinanggap din ni Lapeña ang posibilidad na may lamang shabu ang mga magnetic lifters na pumasok sa bansa noong nakaraang Agosto.

Iginiit ni Robredo na dapat may managot sa batas ang nangyaring pagpapalusot ng kargamento ng iligal na droga sa bansa.