Bagyong Rosita pumasok na sa bansa

0
43

Opisyal nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong may international name na Yutu at tinawag itong Bagyong Rosita.

Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,345 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Mayroon itong lakas ng hangin na aabot sa dalawang kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 245 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo patungong silangan sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Mararanasan ang bahagyang malakas hanggang malakas na ulan sa Northern at Central Luzon sa October 29, lunes ng gabi.

Posible namang maglabas ng tropical cyclone warning signal sa eastern section ng Northern at Central Luzon bukas ng gabi.

Samantala, inaasahang mag la-land fall ang bagyo sa Cagayan – Isabela area sa Martes, October 30.